Recto: Wala akong ghost projects, wala akong flood control projects

Sa daming pagsubok na kinakaharap ng ating bansa, ayaw ko sanang patulan ang mga kasinungalingan ng isang kulang sa pansin, kulang sa pag-iisip, at kulang sa pagmamahal.

But you can only fight a natural-born liar with truth. At sa walang humpay na walang basehang paninirang-puri, may hangganan din ang pagtitimpi.

Sa unang pagtatagpo pa lang namin, may handa siyang PHP 400 milyon at mariin niya akong pinakiusapan na suhulan ang kanyang kalaban sa pulitika upang umatras ito sa kampanya.

Tinanggihan ko ito.

Noong sumunod na linggo, hindi pa siya nakontento. Inalok niya kami ng PHP 1 bilyon para sa pag-urong ni Governor Vi upang siya ang humalili. Umiiyak ang nanay niya habang ginagawa niya ito.

Muli, tinanggihan ko ito. Nakakainsulto. Nakakagalit. Tanging ang respeto ko sa kaniyang ina bilang dating kasamahan sa trabaho ang naging dahilan para hindi ko siya isiwalat at kasuhan.

Alam ng nanay niya na hindi ko nagustuhan ang usapang ito, kaya’t humingi ng tawad sa akin.

Sa kanyang baluktot na pag-iisip, lahat ng mga bagay ay for sale: tao, dangal, posisyon.

True to form, reports have reached us about how he engineered a massive vote-buying operation in Batangas, unprecedented in history.

Kaya’t nais kong linawin, noong nanalo si Leandro, nanumpa siya sa akin dahil mayroon siyang paulit-ulit na hinahangad: ang makamkam ang libu-libong ektarya mula sa hacienda ng tubo sa Nasugbu.

Wala akong kakayahang pagbigyan ang isang maituturing na agaw-lupa.

Tinanggihan ko ulit ito.

Hindi ko siya pinatawag sa mga pulong. Siya at kampo nya ang parating nangungulit na magkaharap kami.

Kaya niya ginagawa ito ay para malunod ang kanyang PHP 24 bilyon na utang na resulta ng kanyang ghost solar projects— ang kanyang pinakamalaking budol sa pamahalaan at sambayanang Pilipino.

Balitang namumudmod siya ng pera upang siraan ako dahil sa kanyang pagkahayok sa kapangyarihan at pansin.

Balitang balita na may AI operations siyang pinapaandar, factory of lies na ginagamit, at troll farms na pinapatakbo, may hakot crowd business– para sa paninira sa mga miyembro ng Kabinete at ng administrasyon. Solar farms na lang sana ang itinayo.

At ngayon, pilit na pilit niyang nilalagyan ng malisya ang koneksyon namin ni Cong. Edwin Gardiola.

Ang totoo niyan, ang mga Gardiola ay matagal kong katunggali sa pulitika, naglaban kami sa maraming eleksyon, at nakasama ko lang siya noong 2022 bilang respeto sa isang kapwa Batangueño na congressman.

Wala akong ghost projects. Wala akong flood control projects. At lahat ng proyekto ko sa Batangas bilang mambabatas ay may resibo at dama ng tao.

Sa tulong ng mga district congressmen, halos naipasemento ang mga kalsada sa buong Batangas at nakapagtayo ng libong silid-aralan.

Ito ang resulta ng tahimik na gawa, hindi tulad ng baguhang puro ngawa na ni isang dipa ng national highway ay wala pang naipasemento.

Ang sabi ng nabasa kong inspirational quote sa social media, “never trust a man who disrespects his mother”.

This is a bitter brat. Prone to tantrums, even badmouthing the woman who gave birth to him in front of many people.

Sa tatlumpung taon ko sa serbisyo, ngayon lang ako nakaharap ng isang taong ganito— mas ganid, mas tuso, manlalansin, at kayang isantabi ang katotohanan para lamang sa pansariling kapakinabangan.

He is a deranged and dangerous person who will even skin his loved ones and use their skin to drumbeat his empty achievements to feed his narcissism.

He is the leading national inventor of lies, and in a desperate move to escape accountability, is resorting to lies to divert the issue from his misdeeds.

May mga mahahalagang hamon na nangangailangan ng ating buong atensyon at aksyon.

If he will not stop telling lies about me, it is tempting for me to start telling the truth about him.

Dahil maraming pagsubok tayong hinaharap. Hindi dapat pag-aksayan ang isang barker sa circus na kung kailangan ay kakain ng bubog para mapansin siya.

We should be wary of psychotic sideshows that divert us from real issues at hand.

Balik na tayo sa trabaho. Sa Batangas kasi may kasabihan: “Wag pansinin ang asong ulol na kahol nang kahol”.

Ipinapahayag ko ito bilang Ralph Recto, isang Batangueño.

Facebook
X
LinkedIn
Reddit

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Fil-Am Death in Negros Clash Triggers Warning to Filipinos Abroad

MANILA, Philippines — The government’s...

Dy Invites ASEAN Youth Lawmakers, Highlights Bohol as Cultural Link

The Philippines has extended an...

QC Buy-Bust Nets Two Drug Suspects, P374K Shabu Recovered

Police arrested two suspected drug...

Decoding your electricity bill: A guide to “Other Charges”

Have you ever looked at...

Allied Troops Repel Simulated Amphibious Assault in Palawan Balikatan Drill

Troops from the Philippines, the...

Mastercard, Visa, 20 others join FinTech Alliance PH

Global payments leaders Mastercard and...

Abalos Puts Focus on Digital Gap, Youth Mental Health in ASEAN

Rep. Jonathan Clement “JC” Abalos...

DOTr Offers Free LRT-2 Santolan Parking to Boost Ridership Amid Fuel Crisis

The Department of Transportation (DOTr)...